Tuesday, January 10, 2017
Kultura ng Persia
Ang mga Persian ay nagtatag ng isang malawak na imperyo at tinawag nila itong imperyong Achaemenid. Nagsimulang manakop ang mga Persian sa panahon ni Cyrus The Great (559 B.C.E – 530 B.C.E.) at napasailalim sa kanila ang Medes at Chaldean sa Mesopotamia at Asia Minor (Turkey)
Ang pinaka laganap na relihiyon na pinaniniwalaan ng mga Persyano ay ang Zoroastrianismo. Tinatawag ring Mazdaismo at Magianismo ay isang relihiyong batay sa mga katuruan ng propetang si Zoroaster na kilala rin bilang Zarathustra sa Avestan. Ito ay dating isa sa pinakamalaking mga relihiyon.
Ang mga tao ay laging binabanggit kasama ng mga Medo, kapuwa sa Bibliya at sa sekular na kasaysayan. Maliwanag na ang mga Medo at mga Persiano ay magkamag-anak na mga bayan ng sinaunang mga tribong Aryano (Indo-Iraniano), at samakatuwid, ang mga Persiano ay mga inapo ni Japet, marahil sa pamamagitan ni Madai, na ninuno rin ng mga Medo. (Gen 10:2) Sa isang inskripsiyon, tinatawag ni Dariong Dakila ang kaniyang sarili na “isang Persiano, anak ng isang Persiano, isang Aryano, mula sa binhing Aryano.”
Ang Ziggurat ay nagsisilbing tahanan at templo ng patron o diyos ng isang lungsod. Isa sa mga Ziggurat ay matatagpuan sa Persia. Ang Ziggurat na ito ay pinaniniwalaang tore ni Babel sa bibliya.
Isa ito sa magandang makikita mo sa Persia ang Chabahar Port. Ito ay isang seaport sa Oman sea sa timog silangang bahagi ng Iran, kung saan ang coastal area ng Oman sea. Ang panahon ng taglamig ay ang pinakamainam sa water sports at pag aaliw.
Subscribe to:
Posts (Atom)